![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/a/a8/Antonio_de_Nebrija_%2528A._Nogu%25C3%25A9s%2529_Madrid_01.jpg/640px-Antonio_de_Nebrija_%2528A._Nogu%25C3%25A9s%2529_Madrid_01.jpg&w=640&q=50)
Balarila ng Wikang Espanyol
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ito ang Balarila ng Wikang Espanyol, na isang wikang Romanse na nagmula sa hilagang gitnang bahagi ng Espanya at ginagamit na siya ngayon sa kabuuan ng naturang bansa, sa halos dalawampung bansa sa mga Amerika, at sa Ginea Ekwatoryal.
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/a/a8/Antonio_de_Nebrija_%28A._Nogu%C3%A9s%29_Madrid_01.jpg/640px-Antonio_de_Nebrija_%28A._Nogu%C3%A9s%29_Madrid_01.jpg)
Wikang "pleksibo" (inflected) ang Espanyol. May potensyal na pagmamarka sa mga pandiwa ayon sa panahunan, aspeto, paturol, tao o bilang (na nagreresulta sa halos limampung anyo ng pagbabanghay bawat pandiwa). Binubuo ang mga pangngalan ng dalawang sistemang pang-kasarian at minamarkahan para sa bilang. Maaaring baguhin ang impleksyon ang mga panghalip para sa tao, bilang o pang-kasarian (kabilang ang labing walang kasarian [residual neuter]), at kaso, baga ma't sumasagisag ang sistemang pronominal ng Espanyol sa pagpapa-alwan ng sinaunang sistema ng Latin.
Isa ang Espanyol sa mga bernakular sa Europa na nagkaroon ng kasunduang pambalarila, ang Gramática de la lengua castellana (Balarila ng wikang Kastila) na isinulat noong 1492 ng dalubwikang Andalus na si Antonio de Nebrija at iniharap kay Isabela I ng Kastilya sa Salamanka.[1]
Nakagisnang iniaatas ng Real Academia Española (RAE) ang mga pamantayang tuntunin sa wikang Espanyol, maging sa palabaybayan o ortograpiya nito.
Kapansin-pansing kakaunti lang ang mga pinagkaibang pang-pormal ng Peninsular at Amerikanong Espanyol, at hindi mahihirapan sa pormal na pananalita ng iba ang sino mang natuto ng wikain ng isang lugar na iyon; ganoon pa man, magkakaiba-iba ang pagbigkas, maging sa balarila at talasalitaan.