salita From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang kahulugan ng bahaghari ay bahag at hari.
Ang mga bahaghari, bahagsubay o balangaw[1] (Latin: Arcus, Aleman: Regenbogen, Pranses: Arc-en-ciel, Ingles: Rainbow, Kastila: Arco iris) ay mga pulutong ng kulay na nasa anyo ng kalahati o buong bilog. Makikita ang penomeno o likas na kaganapang ito pagkatapos ng pag-ulan, mula sa singaw ng pandilig na may pangwisik, o kaya mula sa singaw-ulap ng isang umaagos na talon. Nabubuo ang bahaghari mula sa sinag ng araw at mga mahalumigmig na ambon sa hangin.[2]
Ayon sa Epiko ni Gilgamesh na mas naunang isinulat sa Bibliya, si Ut-Napishtim na ay inutusan ng diyos na si Ea na gumawa ng arko upang iligtas ang kanyang pamilya at mga hayop sa isang delubyo(baha) na ipapadala ng dios na si Enlil dahil sa kanyang galit sa sangkatauhan. Pagkatapos ng pitong araw nang tumila ang baha, si Ut-Napishtim ay nagpalipad ng kalapati at uwak upang tingnan kung wala nang tubig. Nang matuyo ang baha, ang arko ni Ut-Napishtim ay lumapag sa Bundok Nisir(kasalukuyang tinatawag na Pir Magrun sa Iraq). Si Ut-Napishtim ay naghandog naman ng tupa at naamoy ng mga diyos ang mabangong samyo nito. Si Ishtar ay dumating at itinaas ang kanyang kwintas ng mga dakilang hiyas(bahaghari) bilang pag-ala ala sa dakilang baha.[3]
Sa Bibliya, sinasabi na ang bahaghari ang tanda ng tipan sa pagitan ng Diyos at ng Paglalang; at maging ng pangako ng Diyos kay Noe[4] na hindi na niya muling lilinisin ang daigdig sa pamamagitan ng ulan na pinagbuhatan ng malaking baha.(Genesis 9: 13-15[4][5]):
"Ilalagay ko ang aking bahaghari sa mga alapaap at iyan ang magiging tanda ng tipan ko at ng lupa. Kapag tinipon ko ang mga alapaap sa ibabaw ng lupa, at lumitaw ang aking bahaghari sa mga alapaap, aalalahanin ko ang tipang nasa akin at sa inyo at sa lahat ng kinapal na may buhay."
Maihahambing din ang hugis pakurbang paibaba sa magkabilang dulo ng bahaghari sa isang busog na katambal ng pana. Katulad ng isang busog o pantira ng palaso ng Diyos ang bahaghari na tumuturong papalayo mula sa daigdig at sa kanyang mga tao. Tila parang "isinabit" o pinagpahinga na ng Diyos ang kanyang busog upang hindi na muling tumuro pa, para magpakawala ng mga pana, sa isang dating makasalanang mundo ng tao.[6]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.