samahan ng Brazil, Rusya, India, Tsina, at South Africa From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang BRICS ay ang daglat ng samahan ng limang pangunahing umuusbong na ekonomiya: Brazil, Rusya, India, Tsina at South Africa.[1] Orihinal na tinukoy ang pangkat na "BRIC" bago sumama ang South Africa noong 2010. Ang lahat ng kasapi ng BRICS ay mga umuunlad o bagong-industriyalisadong mga bansa, ngunit ang mga ito'y natatangi dahil sa kanilang malaki at mabilis na lumalagong ekonomiya at ang kanilang malaking impluwensiya sa panrehiyon at pandaigdigang kalakaran; kasapi rin ng G-20 ang limang bansa.[2] Mula 2010, taon-taong pormal na nagpupulong sa isang summit ang mga bansang kasapi ng BRICS. Sa kasalukuyan, hawak ng Rusya ang panguluhan ng pangkat, at siyang paggaganapan ng ika-pitong summit ng BRICS sa Hulyo 2015.
Noong 2014, kinakatawan ng mga bansang kasapi ng BRICS ang halos 3 bilyong katao, o humigit-kumulang sa 40% ng populasyon ng mundo; dahil na rin ang limang bansang kasapi ay nasa 25 may pinakamalaking populasyon sa daigdig, apat pa rito ang nasa sampung pinakamalaki. Aabot sa US$16.039 trilyon ang pinagsamang nominal na GDP ng limang bansa, katumbas ng humigit-kumulang sa 20% ng kabuuang GDP ng mundo, at may tinatayang US$4 trilyon pinagsamang reserbang panlabas.[3][4] Umaani ng papuri at kritisismo ang BRICS mula sa maraming komentarista.[5][6][7] Ang ugnayang bilateral ng mga bansang kasapi ng BRICS ay isinasagawa batay sa di-pangingialam, pagkakapantay-pantay, at kapwa may benepisyo.[8]
Ang taguring "BRIC" ay unang ginamit noong 2001 ng noo'y tagapangulo ng Goldman Sachs Asset Management na si Jim O'Neill, sa kaniyang inilathalang Building Better Global Economic BRICs.[9] Nagpulong ang mga minister panlabas ng naunang apat na bansa ng BRIC (Brazil, Rusya, India, at Tsina) sa Lungsod ng New York noong Setyembre 2006 sa labas ng nagaganap na Pangkalahatang Debate ng UN General Assembly, na siyang naging hudyat ng serye ng mga matataas-na-antas ng pagpupulong.[10] Naganap ang isang ganap na malakihang diplomatikong pagpupulong sa Yekaterinburg, Rusya noong 16 Hunyo 2009.[11]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.