From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Ayumi Hamasaki (浜崎あゆみ Hamasaki Ayumi, ipinanganak Oktubre 2, 1978) ay isang Haponesa na mang-aawit, manunulat ng awitin, prodyuser ng rekord, artista, modelo, tagapagsalita, at negosyante. Sa buo niyang karera, sinulat niya ang lahat ng nilalaman ng titik ng kanyang mga awit, at naging kompositor din ng kanyang musika.
Ayumi Hamasaki | |
---|---|
浜崎 あゆみ | |
Kapanganakan | Fukuoka, Hapon | 2 Oktubre 1978
Ibang pangalan | Ayu, Crea |
Trabaho |
|
Asawa | Manuel Schwarz (k. 2011–12) Isang lalaking di naisapubliko (k. 2014–16) |
Karera sa musika | |
Genre | |
Taong aktibo |
|
Label |
|
Website | avex.jp/ayu |
Ipinanganak at lumaki sa Fukuoka, Prepektura ng Fukuoka, lumipat si Hamasaki sa Tokyo sa edad na 14 noong 1993 upang itaguyod ang isang karera sa pag-arte. Noong 1998, sa ilalim ng pangangalaga ng Max Matsuura, ang CEO ng Avex, naglabas si Hamasaki ng kanyang unang single na "Poker Face"[pn 1] at unang pangunahing pantatak na album na A Song for XX. Unang lumabas ang album sa pinakamataas sa tsart ng Oricon at nanatili doon sa loob ng limang linggo, na nakabenta ng higit sa milyong kopya.[pn 1] Umabot naman ang kanyang sampung sumunod na album ng higit sa isang milyong kopya bawat isa sa bansang Hapon, na ang ikatlo, ang Duty, ay nakapagbenta ng halos tatlong milyon. Ang A Best, ang kanyang unang album na kompilasyon, ay ang kanyang pinakamabentang album, na mayroon higit sa apat na milyong kopya sa bansang Hapon.[1][2] Simula noong 2006, pagkatapos nailabas ang album na (Miss)understood, bumaba ang benta ng album at single.[3][4]
Nakapagbenta si Hamasaki ng higit sa 60.94 milyong yunit ayon noong 2019, na ginagawa siyang pinakamabentang solong artistang pang-musika sa bansang Hapon sa kasaysayan.[5][6][7][8] May ilang domestikong tagumpay si Hamasaki para sa kanyang mga single, tulad ng pinakamaraming awit na nasa numero uno ng isang babaeng artistang pangmusika (38); ang pinakamaraming awit na sunod-sunod na nasa numero uno ng isang solong artistang pangmusika (25),[9] at ang pinakamaraming nabenta na higit sa isang milyong kopya.[10][pn 2] Mula 1999 hanggang 2010, mayroon si Hamasaki na hindi bababa sa dalawang single bawat taon na napupunta sa pinakamataas sa mga tsart.[11] Si Hamasaki ang unang babae na artistang pangmusika nagrerekord na nagkaroon ng sampung album simula nang una niyang paglabas upang maging pinakamataas sa Oricon at ang unang artistang pangmusika na nagkaroon ng album na numero uno sa 13 taon na sunud-sunod simula nang kanyang unang paglabas.[12][13] Kinikilala ang mga album na remix ni Hamasaki na Super Eurobeat Presents Ayu-ro Mix at Ayu-mi-x II Version Non-Stop Mega Mix bilang isa sa pinakamabentang album sa lahat ng panahon at nanatili na tangi niyang album na kinikilala sa isang pandaigdigang akreditasyon.[14]
Sa kasagsagan ng kanyang karera, binansagan si Hamasaki bilang ang "Empress of J-pop" (o "Emperatris ng J-Pop") dahil sa kanyang popularidad sa bansang Hapon at sa ibang lugar sa Asya.[15][16] Kasunod ng kanyang impeksyon sa tainga, nagkaroon siya ng malalang pagkawala ng pandinig at unti-unting naging lubos na bingi sa isang tainga.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.