From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Aulla ay isang komuna (munisipalidad) sa lalawigan ng Massa at Carrara, Toscana, sa gitnang Italya. Ito ay matatagpuan sa lambak ng Ilog Magra.
Aulla | |
---|---|
Comune di Aulla | |
Panorama ng Aulla | |
Mga koordinado: 44°13′N 09°58′E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Toscana |
Lalawigan | Massa at Carrara (MS) |
Pamahalaan | |
• Mayor | Roberto Valettini |
Lawak | |
• Kabuuan | 59.99 km2 (23.16 milya kuwadrado) |
Taas | 64 m (210 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 11,092 |
• Kapal | 180/km2 (480/milya kuwadrado) |
Demonym | Aullesi |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 54011 |
Kodigo sa pagpihit | 0187 |
Santong Patron | San Caprasio |
Websayt | Opisyal na website |
Noong 1977, natuklasan ng Italianong heolohistang si Augusto Azzaroli ang isang serye ng mammal rests na may korelasyong fauna sa katabing lokalidad ng Olivola. Ang tinatawag na Olivola Conglomerates ay napetsahan noong huling panahon ng Villafranchian (1.0 hanggang 3.5 milyong taon na ang nakararaan).[3]
Sa sumunod na taon, ang unang antas ng labi ng continental sediment ay natagpuan sa lalim na 250 metro, kasama ang mga sumusunod na archaic na specie ng puno: Taxodium, Sequoia, Magnolia, Symplocos, at Sapotaceae . Sa Europa, ang mga species na ito ay karaniwang napetsahan bago ang Pleistocene (mahigit 2.5 milyong taon na ang nakalilipas). Kinumpirma ng kanilang presensiya ang haka-haka ng isang mapagtimpi hanggang mainit na klima.[4][5]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.