Athena
Sinaunang diyosa ng karunungan at digmaan ng mga Griyego / From Wikipedia, the free encyclopedia
Para sa ibang mga gamit, tingnan ang Athina.
Si Atena, (sulat Griyego: Αθηνά; Latin: Athena o Pallas Athena[1]), ang Griyegong diyosa ng karunungan, sining, at digmaan, na katumbas ni Minerva sa mitolohiyang Romano.[1][2] Sa kanya ipinangalan ang lungsod-estado ng Atenas, ang kanyang lungsod na pangkasalukuyang punong lungsod ng buong Gresya. Pinakadakila sa mga templong itinayo para sa kanya ang Partenon.[1][2]
- Para sa punong lungsod ng Gresya, tingnan ang Atenas.