From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Asurbanipal o Ashurbanipal (Akadyano: Aššur-bāni-apli, "Ang diyos na si Ashur ang tagapaglikha ng isang tagapagmana")[1] (ipinanganak noong 685 BCE – sirka 627 BCE, naghari noong 668 – sirka 627 BCE)[2], ang anak na lalaki ni Esarhaddon, ay ang huling dakilang hari ng Neo-Asiriong Imperyo. Siya ang naglunsad (nagsimula) at nagtatag ng unang sistematiko at organisadong aklatan sa sinaunang Gitnang Silangan,[3], na kilala bilang Aklatan ni Asurbanipal, na nananatili pa rin ang bahagi magpahanggang sa ngayon sa Ninive.
Asurbanipal | |
---|---|
Kapanganakan | 685 BCE (Huliyano)
|
Kamatayan | 631 BCE (Huliyano)
|
Mamamayan | Asirya |
Anak | Ashur-etil-ilani Sinsharishkun |
Magulang |
Sa Bibliya, tinatawag siyang As (e)nappar o Osnapper (Ezra 4:10[4]). Ipinakilala siya ng Romanong historyador na si Justinus bilang si Sardanapalus.[5]
Ang haring Asiryo na si Ashurbanipal ay kilala sa pagtitipon ng mga teksto at tableta sa Aklatan ni Ashurbanipal. Sa pagtitipon ng mga teksto sa kanyang aklatan, sumulat siya sa mga lungsod at sentro ng pagkatuto sa buong Mesopotamiya na nag-utos sa kanila na magpadala ng mga kopya ng lahat ng mga akdang isinulat rehiyon..[6] Bilang aprentis na iskriba, pinag-aralan niya ang mga Wikang Akkadiyo at Wikang Sumeryo. Nagpadala siya ng mga iskriba sa bawat rehiyon ng Imperyong Neo-Asirya upang magtipon ng mga sinaunang teksto. Humirang siya ng mga iskolar at iskriba upang kopyahin ang mga teksto mula sa mga sangguniang Babilonyo. Ito ay naglalaman ng 30,000 tableta at teksto at kabilang sa aklatan ang mga kilalang panitikan na Epiko ni Gilgamesh, mito ng paglikha na Enûma Eliš, kuwento ng unang tao na si Adapa at Mahirap na tao ng Nippur.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.