Yunit na pang-astronomiya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang yunit na astronomikal, astronomikal na yunit o astronomical unit sa Wikang Ingles (pinapaikli bilang au[1]; isinasama rin ang ibang pagpapaikli tulad ng ㍳, a.u. , ya at ua[2]) ay isang yunit ng haba na may kasalukuyang definisyon na 149597870700 m (92,955,807.3 mi),[3] o katumbas ng distansiya ng Mundo–Araw.
Agarang impormasyon
Sistema ng yunit: | Astronomikal na sistema ng mga yunit (Tinanggap gamitin para sa SI) |
Kantidad: | haba |
Simbolo: | au o ua (pandaigdigan) ya (lokal) |
Ang 1 au o ua (pandaigdigan) ya (lokal) sa... | ay may katumbas na... |
km | 149.6×106 |
mi | 92.956×106 |
pc | 4.8481×10−6 |
ly | 15.813×10−6 |
Isara
Orihinal na binigyang kahulugan ang yunit astronomikal bilang haba ng bahagyang pangunahin na aksis ng eliptikong ligiran ng Mundo na pumapaligid sa Araw.