As-Sajdah
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang as-sajdah (السجدة), ay ang ika-32 kabanata (sūrah) ng Quran na may 30 talata (āyāt). Naisasalin ang pangalan ng kabanata sa Tagalog bilang "Ang Pagpapatirapa"[1] o sa Ingles bilang "Prostration"[2] o "Adoration".[3] at nakuha ito mula sa ikalabing-limang talata na binabanggit na "... nagpapatirapa sila sa kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha bilang mga may takot at sumusunod sa Kanya".[2]
السجدة As-Sajdah Ang Pagpapatirapa | |
---|---|
Klasipikasyon | Makkan |
Posisyon | Juzʼ 21 |
Blg. ng Ruku | 3 |
Blg. ng talata | 30 |
Blg. ng Sajdah | 1 |
Blg. ng zalita | 374 |
Blg. ng titik | 1523 |
Pambungad na muqaṭṭaʻāt | ʾAlif Lām Mīm الم |
Tungkol sa tiyempo at kontekstuwal na pinanggalingan ng pahayag, isa itong naunang "surah na Makkan," na nangangahulugang ito ay pinaniniwalang nahayag sa Mecca, imbis na Medina sa kalaunan. Si Theodor Nöldeke (namatay 1930), ang tagasalin ng Tabari (Arabe – Aleman), ay tinataya ito bilang ika-70 (kronolohiyang Nöldeke).[4] Nilalagay ng Ehipsyong kronolohiya ang kabanata bilang ika-75 kabanata ayon sa pagkasunod-sunod ng pahayag (pagkatapos ng Quran 23).