From Wikipedia, the free encyclopedia
Sa mitolohiyang Griyego, si Ares (sa Griyego, Άρης: "labanan") ay ang diyos ng digmaan at anak ni Zeus (hari ng mga diyos) at Hera.[1][2] Kinikilala siya ng sinaunang mga Romano bilang Marte o Mars. Mas mataas at mas malawak ang pagtingin ng mga Romano sa kanilang Marte kaysa sa Griyegong Ares.[1] Sa mitolohiyang Etruskano, siya si Laran.[3]
Sa Iliada ni Homero, kumampi siya sa mga Troyano. Siya rin ang ama ng magkapatid na kambal na mga lalaking sina Romulus at Remus, na mga tagapagtatag ng Roma.[1]
Bilang diyos ng digmaan, agad-agad siyang napupukaw papunta sa pook ng nagaganap na mga pagkikipagdigma. Kabilang sa katangian niya ang pagiging kaaya-aya at malakas na lalaki, subalit lagi siyang handang pumaslang. Kinatatakutan ng lahat ng mga Griyego ang galit ni Ares.[2]
Kabilang sa kanyang kasuotan ang makintab na kalubkob o helmet na may mga nakapatong na pluma o balahibo ng mga ibon. Mayroon din siyang isang katad na baluti sa nasa kanyang bisig o baraso. Hawak niya ang isang sibat na yari sa pulang tanso.[2]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.