From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Antonie van Leeuwenhoek (24 Oktubre 1632 - 30 Agosto 1723), na may buong pangalang Thonius Philips van Leeuwenhoek (bigkas ng apelyido: 'Ley-wen-huk') ay isang Olandes na mangangalakal at siyentipiko mula sa Delft, Netherlands. Tinatanaw siya bilang "ama ng mikrobiyolohiya". Higit na kilala siya sa kaniyang mga ginawa at gawain na may kaugnayan sa mikroskopyo. Gamit ang sariling-gawa at yari ng sariling mga kamay na mga mikroskopyo, siya ang unang nakatanaw at nakapaglarawan ng may-iisang selulang organismo, na una niyang tinawag na animalcules at mas kilala sa ngayon sa taguring mga mikro-organismo. Siya rin ang unang nakapagtala ng mga pagsusuring mikroskipiko ng mga hibla ng laman, bakterya, spermatozoa at daloy ng dugo sa mga maliit na daluyang-ugat (o kapilaryo). Binabaybay din ang pangalan niya bilang Antony van Leeuwenhoek, Anton van Leeuwenhoek,[1] o Anton von Leeuwenhoek.
Antonie van Leeuwenhoek | |
---|---|
Kapanganakan | Thonius Philips van Leeuwenhoek 24 Oktubre 1632 Delft, Netherlands |
Kamatayan | 30 Agosto 1723 90) Delft, Netherlands | (edad
Nasyonalidad | Dutch |
Trabaho | Syentipiko, mangangalakal |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.