Anarkiya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Para sa ibang mga gamit, tingnan ang Anarkiya (paglilinaw).
Ang anarkiya o anarkya[1] (from Griyego: αναρχία anarchía, "walang namumuno") ay tumutukoy sa kahit alin sa sumusunod:
- "Walang namumuno o nagpapatupad na kapangyarihan." [2]
- "Kawalan ng sistema ng pamahalaan at batas[1]; isang estado na walang batas hinggil sa pagkawala o pagiging walang gaanong saysay ng kataas-taasang kapangyarihan; kaguluhang pampolitika."[3]
- "Isang estadong panlipunan na walang namamahalang tao o pangkat, ngunit may kalayaan ang bawat indibiduwal (na walang nasasangkot na kaguluhan)."[4]
- "Kawalan o walang kinikilalang kapangyarihan at kaayusan sa anumang binigay na kalagayan."[5]
- Isang lipunan na malaya mula sa nagpupumilit na kapangyarihan ng kahit anumang layunin ng mga nagtataguyod ng politikal na pilosopiya ng anarkismo (anarkista).
- Malaya mula sa pamumuno o kapangyarihan.