From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Amenemhat III o Amenemhet III ang paraon ng Ikalabingdalawang Dinastiya ng Ehipto. Siya ay naghari mula ca. 1860 BCE hanggang ca. 1814 BCE na ang pinakahuling alam na petsa na natagpuan sa isang papyrus ay may petsa na Taonng hari na Taong 46 Akhet 11 ng kanyang pamumuno. Ang kanyang paghahari ay itinuturing na isang ginintuang panahon ng Gitnang Kaharian ng Ehipto.[2] Siya ay maaaring nagkaroon ng isang matagal ng kapwa-paghahari na 20 taon kaama ng kanyang amang si Senusret III.[3]
Amenemhat III | |
---|---|
Lamares and Ameres according to Manetho, also Ammenemes | |
Pharaoh | |
Paghahari | 1860–1814 BC (12th Dynasty) |
Hinalinhan | Senusret III |
Kahalili | Amenemhat IV |
Royal titulary | |
Konsorte | Aat, Khenemetneferhedjet III |
Anak | Neferuptah, Sobekneferu, Hathorhetepet, Nubhetepet, Sithathor, Amenemhat IV (?) |
Ama | Senusret III |
Namatay | 1814 BC |
Libingan | Pyramid at Hawara |
Monumento | Pyramids at Dahshur and Hawara |
Tungo sa wakas ng kanyang paghahari, kanyang itinatag ang isang kapwa-paghahari kasama ng kanyang kahalili sa tronong si Amenemhat IV gaya ng itinala sa isang napinsalang inskripsiyon ng bato sa Konoso, Nubia na nagtutumbas ng Taong 1 ni Amenemhat IV sa Taong 46, 47 o 48 ng kanyang paghahari.[4] Ang kanyang anak na babaeng si Sobekneferu ay kalaunang humalili kay Amenemhat IV bilang huling pinuno ng ika-12 dinastiya ng Ehipto. Ang kanyang pangalan sa trono na Nimaatre ay nangangahulugang "Kabilang sa Hustisya ni Re".
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.