From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Amasis II (Sinaunang Griyego: Ἄμασις) o Ahmose II ay isang paraon ng Ikadalawampu't anim na dinastiya ng Ehipto na naghari mula 570 BCE hanggang 526 BCE at kahalili ni paraon Apries. Siya ay namuno sa Sais, Ehipto. Siya ang huling dakilang pinuno ng Sinaunang Ehipto bago sakupin ng Persiyanong Imperyong Akemenida.[2]
Amasis II | |
---|---|
Ahmose II | |
Pharaoh | |
Paghahari | 570–526 BCE (Ikadalawampu't anim na dinastiya ng Ehipto) |
Hinalinhan | Apries |
Kahalili | Psamtik III |
Royal titulary | |
Konsorte | Tentkheta, mother of Psamtik III Nakhtubasterau Ladice Chedebnitjerbone II (daughter of Apries) Tadiasir? |
Anak | Psamtik III Pasenenkhonsu Ahmose (D) Tashereniset II ? Nitocris II |
Ina | Tashereniset I |
Namatay | 526 B.C.E. |
Siya ay orihinal na isang opiser ng hukbong Ehipsiyo at sumali sa kampanya ni paraonPsamtik II noong 592 BCE sa Nubia.[3]
Ang isang himagsikan na sumiklab sa mga katutubong sundalong Ehipsiyon ay nagbigay sa kanya ng oportunidad na sunggaban ang trono. Ang mga hukbong ito na bumalik sa hindi matagumpay na ekspedisyon sa Cyrene sa Libya ay nagsuspetsa na sila ay pinagtaksilan upang si Apries na namumunong hari ay maghari nang absoluto sa pamamagitan ng mga mersenaryong Griyego at karamihan ng mga Ehipsiyo ay nakisimpatya sa kanila. Tinagpo ni heneral Amasis ang mga ito upang puksain ang himagsikan ngunit sa halip ay hinirang na hari ng mga rebelde. Si Apries na buong nagtiwala sa kanyang mga mersenaryo ay natalo.[4] Tumakas si Apries sa mga Babilonyo at nabihag at pinatay sa pananakop sa kanyang katutubong lupain upang sakupin ito sa tulong ng hukbo ng Imperyong Neo-Babilonya.[5] Si Apries ay nilibing ng marangal sa ikatlong taon ni Amasis noong 567 BCE.[4] Pinakasalan ni si Chedebnitjerbone II na isa sa mga anak ni Apries upang maging lehitimo ang kanyang paghahari.[6]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.