Alpabetong Arabe
alpabetong ginagamit sa Hilagang Aprika at Kanlurang Asya / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Alpabetong Arabe (Arabe: الْأَبْجَدِيَّة الْعَرَبِيَّة, al-abjadīyah l-ʿarabīyah o الْحُرُوف الْعَرَبِيَّة, al-ḥurūf l-ʿarabīyah), o Arabeng abyad, ay ang sulat Arabe na kinodipika para sa pagsusulat ng wikang Arabe. Isinusulat ito mula kanan pakaliwa nang kabit-kabit at naglalaman ito ng 28 titik. Nagbabago ang anyo ng karamihan sa mga titik nito depende sa posisyon nito sa isang salita.
Alpabetong Arabe | |
---|---|
Uri | Abyad |
Mga wika | Arabe |
Panahon | Ika-3 o ika-4 na siglo PK hanggang kasalukuyan |
Mga magulang na sistema | |
ISO 15924 | Arab, 160 |
Direksyon | Kanan-kaliwa |
Alyas-Unicode | Arabic |
Lawak ng Unicode |
|
PAALALA: Maaaring naglalaman ang pahinang ito ng mga simbolong pamponetikong IPA. |
- Nakaturo dito ang iba't ibang mga titik na ginagamit din sa Sulat Ebreo at ibang semetikong abyad. Tingnan ang artikulong Sulat Ebreo at abyad para sa karagdagang impormasyon.
Itinuturing na abyad, mga sistema ng panulat na gumagamit lamang mga katinig, ang alpabetong Arabe, ngunit itinuturing ito sa ngayon bilang isang "di-purong abyad."[1] Tulad ng mga sistemang nasa di ring puro kagaya ng alpabetong Ebreo, naglikha ang mga eskriba kalaunan ng paraan upang magpahiwatig ng tunog-patinig sa pamamagitan ng hiwalay na tuldik.