Ali Abdullah Saleh
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Ali Abdullah Saleh (Arabo: علي عبدالله صالح; pinanganak 21 Marso 1946)[1] ay ang una at kasalukuyang pangulo ng Republika ng Yemen. Bago nito, siya ay nanungkulan bilang pangulo ng Arabong Republika ng Yemen (Hilagang Yemen) mula noong 1978 hanggang 1990, kung kailan siya'y nahirang bilang tagapangulo ng Pampanguluhang Konseho ng Republika ng Yemen (pinagsanib na Yemen). Siya ang pinakahabang nanungkulang pangulo ng Yemen, na mula pa noong 1978.[2]
Kinakailangang isulat muli ang artikulong ito. Pag-usapan ang mga pagbabago sa pahina ng usapan. |
![]() | Kailangang isapanahon ang artikulong ito. |
Noong 2 Pebrero 2011, bilang tugon sa malawakang protestang hinihiling ang kanyang pagbibitiw, inanunsiyo ni Saleh ang kanyang pagbaba sa puwesto sa 2013.[3] Samantalang noong 23 Abril 2011, kanyang ihinayag na kusa siyang bababa sa puwesto kapalit ang imunidad sa anumang kriminal na pag-uusig.[4][5] Noong 18 Mayo 2011, pumirma siya sa isang kasunduan sa oposisyon na nagtatakda ng kanyang pagbibitiw sa loob ng isang buwan,[6] ngunit tinalikuran niya ang kasunduang ito.[7]