From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Alfredo Siojo Lim (Mandarin: 林雯洛, Lín Wénluò) ay isang politiko at ang dating alkalde sa lungsod ng Maynila. Siya ay ipinanganak noong ika-21 ng Disyembre, 1929[4]. Dati siyang senador ng Pilipinas at binitawan ang pwesto upang kumandidato bilang alkalde ng Maynila. Una siyang nagsilbi bilang alkalde ng Maynila noong 1992 hanggang 1998 kung saan 250,000 tao mula sa Maynila ang bumoto sa kanya. Muli siyang naluklok sa pwesto noong taong 2007.[4]
Alfredo Lim | |
---|---|
Kapanganakan | 21 Disyembre 1929
|
Kamatayan | 8 Agosto 2020
|
Mamamayan | Pilipinas |
Nagtapos | Pamantasan ng Silangan[2] Dalubhasaan ng Tanggulang Pambansa ng Pilipinas[2] |
Trabaho | politiko, pulis[2] |
Opisina | Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal (10 Enero 2000–20 Enero 2001)[3] |
Si Alfredo Lim ay ipinanganak sa Maynila. Nagtapos siya ng sekondarya sa Pamantasan ng Dulong Silangan noong 1948. Nagtapos siya ng batsilyer sa pangangasiwa sa negosyo noong 1951 at batsilyer sa batas noong 1963, ang mga tungkuling ito ay mula sa Pamantasan ng Silangan.
Noong 1992, tinalo niya ang anim na kalaban sa pagka-alkalde ng Maynila.[4] Sa kanyang termino, ipinatupad niya ang mga batas at alituntunin na nagpababa sa tala ng krimen. Dahil dito, tinagurian siyang "Dirty Harry". Nagpatupad din siya ng ilang proyekto upang mapaganda ang imahe ng Maynila. Muli siyang nahalal noong 1995 at pinagpatuloy ang termino hanggang 1998. Naluklok siya muli sa pwesto noong 2007 at matatapos ang kanyang termino ng 2010.
Tumakbo siya sa pagkapangulo sa ilalim ng Liberal Party na nakakuha ng 8.7 bahagdan ng lahat ng boto at naging panglima sa labing-isang kandidato. Naging kalihim siya ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa termino ni Pangulong Estrada hanggang magtapos ang termino ni Estrada.
Nanalo siya bilang Senador noong 2004. Ninais niyang maging mandatory ang ROTC subalit hindi siya nakakuha ng mga susuporta sa panukalang ito. Epektibo noong ika-30 ng Hunyo 2007, ang kanyang posisyon sa Senado, na dapat ay pagsisilbihan niya hanggang ika-30 ng Hunyo, 2010. Pero kumandidato siya bilang alkalde ng Maynila at iniwanan ang posisyon.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.