Alfred Wegener
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Alfred Lothar Wegener (1 Nobyembre 1880 – 2 Nobyembre 1930) ay isang Alemang mananaliksik ng polo, geopisiko, at meteorologo. Noong panahon ng kaniyang pamumuhay, pangunahin siyang nakikilala dahil sa kaniyang mga nagawa para sa larangan ng meteorolohiya at bilang isang tagapagsimula ng pananaliksik sa polo, subalit sa kasalukuyan siya ay pinaka naaalala dahil sa pagpapasulong ng teoriya ng pag-anod ng lupalop (continental drift sa Ingles, Kontinentalverschiebung sa Aleman) noong 1912, na nagpapalagay na ang mga lupalop (kontinente) ay mabagal na umaanod sa paligid ng daigdig. Ang kaniyang hipotesis ay kontrobersiyal at hindi malawakang tinanggap hanggang sa pagsapit ng dekada ng 1950, nang maraming mga pagkakatuklas na katulad ng paleomagnetismo na nagbigay ng matibay na suporta para sa pag-anod ng kontinente, at sa kung gayon ay naging isang matibay na batayan para sa pangkasalukuyang modelo para sa mga tektoniks ng plato.[4][5] Naging sangkot si Wegener sa ilang mga ekspedisyon sa Lupang-lunti (Greenland) upang pag-aralan ang sirkulasyon ng hangin sa polo bago pa man naging katanggap-tanggap ang pag-iral ng daloy ng sagitsit. Ang mga kalahok sa ekspedisyon ay nakagawa ng maraming mga pagmamasid na pangmeteorolohiya at nakapagsagawa ng pinaka unang pagpapalipas ng taglamig sa panloob na lupaing pilas ng yelo sa Lupang-lunti, pati na ang pinaka unang pagbutas ng kaibuturan ng yelo na nasa ibabaw ng isang gumagalaw na bundok ng yelo (namuong tubig o glacier) sa Arktiko.
Alfred Wegener | |
---|---|
Kapanganakan | 1 Nobyembre 1880[1]
|
Kamatayan | Nobyembre 1930
|
Mamamayan | Imperyong Aleman |
Nagtapos | Humboldt-Universität Berlin |
Trabaho | heologo,[3] eksplorador, astronomo, meteorologo, propesor ng unibersidad, pisiko, heograpo |
Opisina | propesor (1924–1930) |
Pirma | |