espesye ng halaman From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang adlai o tigbi (coix lacryma-jobi) na kilala rin bilang job's tears sa wikang Ingles, ay matangkad, namumungang-butil, santauhang tropikal na halaman ng pamilyang Poaceae (pamilya ng damo). Katutubo ito sa Timog-silangang Asya at ipinakilala sa Hilagang Tsina at Indiya noong sinaunang panahon, at sa ibang lugar, nililinang sa mga hardin bilang taunang halaman. Naturalisado na ito sa timog-silangang Estados Unidos at sa tropiko ng Bagong Mundo. Sa katutubong kaligiran nito, itinatanim ito sa mga matataas na lugar kung saan hindi tumutubo nang maayos ang palay at mais.
Adlai | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Monocots |
Klado: | Commelinids |
Orden: | Poales |
Pamilya: | Poaceae |
Subpamilya: | Panicoideae |
Sari: | Coix |
Espesye: | C. lacryma-jobi |
Pangalang binomial | |
Coix lacryma-jobi L. | |
Kasingkahulugan [1] | |
|
May dalawang pangunahing baryante ng espesye, isang ligaw at isang nilinang. Ang ligaw na baryante, Coix lacryma-jobi bar. lacryma-jobi, ay may huwad na bunga na may matigas na balat—mga istrakturang napakatigas, parang perlas sa kaputian, at habilog na ginagamit sa paggawa ng rosaryo, kuwintas, at iba pang bagay. Ang nililinang baryante, Coix lacryma-jobi bar. ma-yuen ay inaani bilang pananim na binutil, may malambot na balat, at ginagamit panggamot sa ilang bahagi ng Asya.
Ipinangalan ang espesyeng katutubo sa Timog-silangang Asya,[2] ni Carl Linnaeus noong 1753. Ang bansag ay pagsasalin sa Latin ng matalinhagang luha ni Job. Magmula noong 2015[update] , apat na baryante ang tinatanggap ng World Checklist of Selected Plant Families:[3]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.