![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/0/02/Adhesions.jpg/640px-Adhesions.jpg&w=640&q=50)
Adhesion
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga adhesion (mula sa Latin na adhaereo, sa diwang "dumikit sa")[1] ay mga pangkat na mahibla[2] na nabubuo sa pagitan ng mga tisyu at ng mga organo, madalas na bilang resulta ng isang pinsala habang nagaganap ang siruhiya. Maaari silang isipin bilang panloob na tisyung peklat na nagdirikit sa mga tisyu na hindi normal na magkadikit. Ito ang mga hindi kanais-nais na pagdirikit-dikit na nagaganap sa loob ng kurso ng paggaling mula sa anumang pinsala o pamamaga.[1]