Abraham
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Abraham ([[Wikang Ebreo|Ebreo]]: אברהם, Avraham; Arabo: ابراهيم, Ibrāhīm) ang patriyarka ng Hudaismo, kinikilala ng Kristyanismo bilang "Ama ng Lahat ng Nasyon", at isang napakahalagang propeta sa Islam. Sa pagsasalinwika ni Jose Abriol, nangangahulugan ang pangalan niya bilang "ama ng makapal na [bilang o dami ng] tao".[5] Isinasalaysay ang kaniyang buhay sa Aklat ng Henesis at sa Qur’ān. Bilang ama ng bansa ng mga Hudyo, tinawag ng Diyos si Abraham mula sa kaniyang bansa upang pangakuang ibibigay rito ang lupain ng Canaan. Sinasabi rin na ipinangako rin ng Diyos na babasbasan at bibiyayaan ang lahat ng tao ng daigdig sa pamamagitan ng Abraham. Bilang dagdag, matututunan ng mga tao ng pangkasalukuyang panahon kung ano ang tunay na pananampalataya mula kay Abraham.[6]
Abraham Abram | |
---|---|
אַבְרָהָם | |
Title | Abraham Abram |
Personal | |
Ipinanganak | 2058 BC |
Namatay | 1883 BCE |
Relihiyon | Yahwismo |
Spouse | Sarah Agar (babae mula sa Ehipto) Keturah (babae rin) |
Mga anak | |
Mga magulang | |
Kilala sa | Pangalan ng Abrahamic na relihiyon: tradisyunal na tagapagtatag ng Jewish nation,[1][2] espirituwal na ninuno ng Mga Kristiyano,[3] major propeta ng Islam[4] |
Relatives |