Abenida Meralco
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Abenida Meralco (Ingles: Meralco Avenue) ay isang lansangan sa Lundayang Ortigas sa Pasig, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Dumadaan ito mula Abenida Ortigas sa Barangay Ugong sa hilaga hanggang Bulebar Shaw sa Barangay Oranbo sa timog. Hinahangganan nito ang kanlurang gilid ng Valle Verde sa Ugong. Ang haba nito ay 1.6 kilometro (1.0 milya).
Abenida Meralco Meralco Avenue | |
---|---|
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 1.6 km (1.0 mi) |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | N60 (Abenida Ortigas) sa Barangay Ugong |
| |
Dulo sa timog | N141 (Bulebar Shaw) sa Oranbo |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ipinangalan ito sa Manila Electric Company (o Meralco), na nakahimpil sa sangandaan nito sa Abenida Ortigas. Ilan sa mga iba pang kilalang negosyo sa abenida ay ang UnionBank Plaza, Metrowalk, at ang Capitol Commons, isang mixed-use development na matatagpuan sa dating lupain ng kapitolyo ng lalawigan ng Rizal sa sangandaan ng abenida sa Bulebar Shaw.[1] Sa abenida rin matatagpuan ang Kagawaran ng Edukasyon, sa may sangandaan nito sa Kalye Kapitan Henry Javier.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.