Abakus
From Wikipedia, the free encyclopedia
Para sa patag na bato sa itaas ng isang haligi, tingnan ang Abakus (arkitektura).
Ang abakus o abako[1] (mula sa Kastila ábaco) ay isang kagamitang pang-tuos, na kadalsang ginagawa bilang isang kuwadrong kahoy na may mga abaloryo na pinapadulas sa mga kawad. Ginagamit na ito daang-taon bago pa linangin ang sistema ng mga bilang Arabo at ginagamit pa rin ng mga mangangalakal at kleriko sa Tsina at mga iba pang lugar.
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/b/b5/RomanAbacusRecon.jpg/220px-RomanAbacusRecon.jpg)