Wikang Kapampangan
isang wika sa Pilipinas na kinalálakihang salitain sa lalawigan ng Pampanga / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Kapampangan o Capampáñgan ay isa sa mga walong pangunahing wika ng Pilipinas. Ito ang pangunahing wika ginagamit sa buong lalawigan ng Pampanga at Timugang Tarlac, sa timugang bahagi ng kalagitnaang kapatagan ng Luzon, karamihan nito ay sumasailalim sa pangkat-etnikong Kapampangan. Sinasalita rin ang Kapampangan sa hilagang-silangang Bataan, pati na rin sa mga munisipalidad ng Bulacan, Nueva Ecija, at Zambales na pumapaligid sa Pampanga. Nakakapag-intindi at nakakapagsalita rin ng Kapampangan ang mga iilang Aeta sa timugang bahagi ng Gitnang Luzon. Ang naturang wika ay tinatawag ding Pampango, Capampan͠gan/Capampañgan, Pampangueño, at bilang panggalang, Amanung Sisuan (wikang ipinasuso).[1]
Agarang impormasyon Kapampangan, Capampáñgan, Katutubo sa ...
Kapampangan, Capampáñgan | |
---|---|
Katutubo sa | Pilipinas |
Rehiyon | Gitnang Luzon |
Mga natibong tagapagsalita | 2.4 milyon |
Austronesyo
| |
Latin (Abakada o Kahalawang Espanyol); Nakasulat noon sa Kulitan | |
Opisyal na katayuan | |
Wikang pangrehiyon sa Pilipinas | |
Pinapamahalaan ng | Komisyon sa Wikang Filipino (Commission on the Filipino Language) |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-2 | pam |
ISO 639-3 | pam |
Mga lugar kung saan ginagamit ang wikang Kapampangan |
Isara