Unibersidad ng Houston
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Unibersidad ng Houston (Ingles: University of Houston, UH) ay isang unibersidad sa pananaliksik na pangunahing institusyon ng Unibersidad ng Houston Sistema (University of Houston System). [1] Itinatag noong 1927, ang UH ang ikatlong pinakamalaking unibersidad sa estado ng Texas na may halos 44,000 mag-aaral. [2] Ang kampus nito ay umaabot ng 667 ektarya sa timog-silangan ng lungsod ng Houston, at kilala rin bilang University of Houston-University Park mula 1983 hanggang 1991. [3] [4] Klinasipika ng Carnegie Foundation ang UH bilang isang institusyong naggagawad ng digri na may "pinakamataas na aktibidad sa pananaliksik." [5] [6] [7]