Tako
mehikanong tortilla na may palaman / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang tako ay isang tradisyonal na pagkaing Mehikano na binubuo ng isang tortillang gawa sa mais o trigo na pinalamanan. Binibilot o tinitiklop sa palibot ng palaman ang tortilla at kinakamay kapag kakainin na. Ilan sa mga karaniwang palaman ng tako ang giniling na baka, baboy, manok, pagkaing-dagat, bins, gulay, at keso,[1] at sinasahugan ng iba't ibang kondimento, tulad ng salsa, guacamole, o kremang maasim, at gulay, tulad ng letsugas, sibuyas, kamatis, at mga sili. Isang karaniwang anyo ng antojito o pagkaing-kalye ng mga Mehikano ang mga tako, na kumalat na sa buong mundo.
Uri | Kukutin |
---|---|
Lugar | Mehiko |
Pangunahing Sangkap |
|
Karagdagang Sangkap |
|
|
Maaaring ihambig ang mga tako sa mga kahawig na pagkain tulad ng mga burrito, na kadalasang mas malaki at nirorolyo sa halip na binibilot; mga taquito, na nirorolyo at piniprito; o mga chalupa/tostada, kung saan piniprito muna ang tortilla bago palamanan.