Rural Missionaries of the Philippines
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Rural Missionaries of the Philippines ay isang pambansang organisasyon sa Pilipinas na binubuo ng mga babae at lalaking klero at mga layko. Ang organisasyon ay nakikibahagi sa gawaing misyonero at adbokasiya sa mga komunidad sa kanayunan ng mga magsasaka, mangingisda, at mga katutubo sa pagpapabuti ng kanilang kalgayan at sa kanilang mga karapatang pantao.[1] Ang grupo ay humarap sa patuloy na oposisyon mula sa gobyerno ng Pilipinas dahil sa kanilang gawaing misyonero.