Problemang sinoptiko
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang problemang sinoptiko ang tanong sa spesipikong ugnayang literaryo ng tatlong ebanhelyong sinoptiko: ang Ebanghelyo ni Marcos, Ebanghelyo ni Mateo at Ebanghelyo ni Lucas. Ang mga ebanghelyong ito ay ibang iba sa Ebanghelyo ni Juan. Ang tanong na tinatanong ng mga iskolar ng Bagong Tipan ay kung alin sa mga ito ang nauna, kung sino ang kinopya o kumopya at alin pang mga batayan ang ginamit ng mga may akda nito. Ang mga pangalang Marcos, Mateo at Lucas ay ikinabit lang noong ika-2 siglo CE at kaya hindi alam kung sino talaga ang may akda ng mga ebanghelyong ito. Ang batayan dito ang halos pagkakatulad sa paggamit ng mga salita, salita sa salita ngunit may mga malaki ring mga salungatan sa iba pang teksto.[2]