Malawakang Maynila
From Wikipedia, the free encyclopedia
Tungkol sa rehiyon na binubuo ng Kalakhang Maynila at mga karatig lugar nito ang artikulo na ito. Para sa dating lungsod noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tingnan ang Lungsod ng Malawakang Maynila.
Ang Malawakang Maynila (Ingles: Greater Manila Area) ay tumutukoy sa magkaratig na urbanisasyon na pumapalibot sa Kalakhang Maynila. Kasama sa sonang built-up na ito ang mga karatig-lalawigan ng Bulacan sa hilaga, Kabite at Laguna sa timog, at Rizal sa silangan.[1][2] Bagamat patuloy na sinasanib ng paglawak na ito ang bagong mga sona, ilang mga sonang urbano ay nagsasariling mga kumpól ng pamayanan na pinaliligiran ng di-urbanong mga pook
Noong unang bahagi ng taong 2021, sa kasagsagan ng pandemya ng COVID-19 sa Pilipinas, tinatawag na ring NCR Plus o NCR+ (National Capital Region Plus) ang lugar na ito ng mga kinauukulan, hinggil sa pagtakda ng mga kuwarentenang pampanayanan.[3]