Mahathir bin Mohamad
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Tun Mahathir bin Mohamad (bigkas [maˈhatir bin moˈhamat̚]; ipinanganak noong 10 Hulyo 1925) ay isang politiko mula sa Malaysia. Siya ang pang-apat at pang-pito na Punong Ministro ng Malaysia. Hinawakan niya ang tungkulin sa loob ng 22 mga taon mula 1981 hanggang 2003, at mula 2018 hanggang sa kasalukuyan, na naging dahilan kanyang pagiging pinakahamahabang nanungkulang Punong Ministro ng Malaysia, at isa sa mga pinunong nanilbihan ng matagal sa Asya.[2] Sa loob ng kanyang kapanahunan sa tanggapan, binigyan siya ng kredito sa paglulunsad ng mabilisang modernisasyon ng Malaysia.[3] Kilala rin si Mahathir dahil sa kanyang kritisismo ng kanluranin at mauunlad na mga bansa.[4]
Mahathir bin Mohamad | |
---|---|
Kapanganakan | 10 Hulyo 1925[1]
|
Mamamayan | Malaysia |
Nagtapos | Unibersidad ng Malaya Pambansang Unibersidad ng Singapore |
Trabaho | politiko, manggagamot, manunulat |
Pirma | |
Sa panahon ng kanyang administrasyon, itinuring siya bilang isa sa pinakamaimluhong mga pinuno sa Asya.[5]