Kanser sa baga
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang kanser sa baga (Ingles: lung cancer) ay isang malignanteng pagbabago at paglaki ng mga tisyu ng baga. Nagsasanhi ito sa 1.3 milyong katao ng pagkamatay bawat taon, mas marami kesa iba pang mga kanser. Bagaman dating isang sakit na nakakaapekto sa mga kalalakihan ang kanser ng baga, mas marami kesa mga kababaihan, mas dumarami ang bilang ng mga kaso sa mga babae sa loob ng mangilan-ngilang mga dekada, na isinisisi sa pagtaas ng rasyo ng babaeng nagsisigarilyo kung ihahambing sa mga lalaking naninigarilyo. Sa kasalukuyan, nangunguna ang kanser sa baga sa nagdurulot ng kamatay sa mga kababaihan, na pumapaslang ng marami kaysa mga babaeng may kanser sa suso, kanser sa obaryo, at kanser na uterino, kapag pinagsamasama.[4] Karamihan sa mga taong nagkakaroon ng kanser sa baga ang nanigarilyo sa loob ng maraming mga tao. Subalit, may ilang mga uri ng kanser sa bagang lumilitaw sa mga malulusog na pasyenteng hindi kailanman humitit ng sigarilyo.
Kanser sa baga | |
---|---|
Ibang katawagan | Lung carcinoma |
Isang chest X-ray kung saan ipinapakita ang tumor sa baga (nakaturo sa arrow) | |
Espesyalidad | Onkolohiya, pulmonolohiya |
Sintomas | Pag-ubo (kasama ang pag-ubo kasama ang dugo), pag-ikli ng paghinga, chest pain |
Kadalasang lumalabas | Pagkatapos ng edad 40;[1] 70 taong gulang ang karaniwan[2] |
Uri | Small-cell lung carcinoma (SCLC), non-small-cell lung carcinoma (NSCLC) |
Panganib |
|
Pagsusuri | Medical imaging, tissue biopsy |
Pag-iwas | Iwasan ang paninigarilyo gayundin anf iba pang mga mutagens sa kapaligiran |
Paggamot | Surgery, chemotherapy, radiotherapy, mga molecular na therapy, mga immune checkpoint inhibitor |
Prognosis | Limang taong rito ng pagpakaligtas sa sakit: 10 to 20% (karamihan ng mga bansa)[3] |
Dalas | 2.2 milyon (2020)[3] |
Napatay | 1.8 milyon (2020)[3] |