From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Ellen Gould White (ipinanganak na ang orihinal na apelyido ay Harmon) (Nobyembre 26, 1827 – Huly 16, 1915) ay isang manunulat at kapwa tagapagtatag kasama ng kanyang asawang si James White at ibang mga pinuno ng tunay na Iglisia Sabadistang Adbentista ng Iglesiang Ikapitong-araw na Adbentista o Seventh-day Adventist church. Iniulat ni Ellen White sa kanyang mga kapwa mananampalataya ang kanyang mga inaangking naranasang mga pangitain. Ito ay nakita ng kanyang asawa at iba pa na kaloob ng hula gaya ng inaangking nasa Aklat ng Pahayag 12:17 at 19:10 na naglalarawan ng patotoo ni Hesus bilang "espirito ng hula. Ang kanyang sunod-sunod na kasulatang "Alitan ng mga Panahon" ay nagsikap na ipakita ang kamay ng Diyos sa inaangking kasaysayan ng Bibliya at Iglesiang Kristiyano. Ang alitang pangkalawakang ito na tinawag na "temang dakilang kontrobersiya ang pundasyon sa pagpapaunlad ng teolohiya ng Ikapitong-araw na Adbentista.[1]
Ellen G. White | |
---|---|
Kapanganakan | Ellen Gould Harmon 26 Nobyembre 1827 Gorham, Maine |
Kamatayan | 16 Hulyo 1915 87) Elmshaven (Saint Helena), California | (edad
Trabaho | May-akda at Kasamang Tagapagtatag ng Simbahang Adbentista ng Ikapitong Araw |
Asawa | James White |
Anak | Henry Nichols James Edson White William C. White John Herbert |
Pirma | |
Ang mga inaangking "pangitain" ni Ellen White at paggamit ng ibang mga sanggunian sa kanyang mga kasulatan ay naging kontrobersiyal. Kanyang inangking natanggap ang kanyang unang pangitain sa sandaling pagkatapos ng Dakilang Pagkasiphayo na Millerite.[2][3] Ang ilan sa kanyang mga pinakasikat na aklat ay kinabibilangan ng The Desire of Ages, The Great Controversy at Steps to Christ.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.