Bato (anatomiya)
panloob na bahagi ng katawan / From Wikipedia, the free encyclopedia
Tungkol sa parte ng katawan ng tao ang artikulo na ito. Para sa literal na bato, tingnan ang Bato (heolohiya). Para sa senador at hepe ng kapulisan, tingnan ang Ronald dela Rosa. Para sa ibang mga gamit, tingnan ang Bato (paglilinaw).
Ang mga bato (Ingles: kidney) ay ang mga organong tumatanggap o kumukuha ng halos lahat ng mga dumi mula sa dugo. Nireregula o kinokontrol din ng mga ito ang bilang o dami ng tubig na nasa loob ng katawan. Tinatanggal ng mga bato ang labis na tubig at mga produktong dumi, at inaalis ito ng katawan sa anyong ihi. Dalawa ang mga bato ng katawan: tig-isa sa bawat usang panloob na tagiliran ng puson, malapit sa kolumnang espinal.[1]