Bagong Britanya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Bagong Britanya (Ingles: New Britain) ay isang bulkanikong pulo sa Pasipiko. Ito ang pinakamalaki sa Kapuluan ng Bismarka. Ang Rabaul ang pinakamalaking lungsod at puwerto nito. Naging tagpuan ang pulo ng mabigat na labanan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kabilang sa pangunahing produktong iniluluwas nito sa ibang mga pook ang kopra at kakaw. Kabahagi ang pulong ito ng Papua Bagong Guinea.[1]