Ang Timog Cotabato ay isang lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong SOCCSKSARGEN sa Mindanao. Lungsod ng Koronadal ang kapital nito at napapaligiran ng Sultan Kudarat sa hilaga at kanluran, Sarangani sa timog at silangan, at Davao del Sur sa silangan. Matatagpuan ang Look ng Sarangani sa timog-silangan na matatagpuan naman ang Lungsod ng General Santos, ang pinakamalaki at pinakamahalagang lungsod sa Timog Cotabato, at isang pangunahing daungan. Dating kabilang sa Timog Cotabato ang Sarangani hanggang naging malayang lalawigan noong 1992.