Ang Taoismo o Daoismo, mula sa Mandarin na Dàojiào 道教 na binibigkas nang, Hokkien (POJ) na Tō-kàu, Kantones (Jyutping) na Dou6gaau3, ay tumutukoy sa iba-ibang magkakaugnay na pangpilosopiya at pangrelihiyon nang higit nang mga dalawang libong taon at lumaganap sa Kanluran. Nangangahulugan ang salitang 道, Tào, bilang "landas" o "daan," bagaman may mga ibang basal na kahulugan ito sa ibang pambayang relihiyong Tsino at pilosopiya. Binibigyan din ng kagandahang-asal at etika ng Taoismo ang Tatlong Hoyas ng Dào: kompasyon, prugalidad, at umildad. Pangkalahatang nakatuon ang kaisipang Taoista sa kalikasan, kaisahan ng mga tao-kosmos (天人相应), kalusugan, mahabang buhay, wúwéi, kalayaan, kawalang-kamatayan at pagkakusang-loob.