Suwisa
Ang Suwisa, opisyal na tinatawag na Kompederasyon ng Suwisa, ay isang republikang pederal na matatagpuan sa Kanluran-Gitnang Europa, at naghahanggan sa Italya sa timog, sa Pransiya sa kanluran, sa Alemanya sa hilaga, at sa Austria at Liechtenstein sa Silangan. Isang nasasagitna ng lupaing bansa ang Suwisa at heograpikal na nahahati sa pagitan ng Alpes, Talampas ng Suwisa at ng Bulubundukin ng Jura, na may sukat na 41,285 km2 (15,940 mi kuw). Habang nasasakop ng Alps ang malaking bahagi ng lupain, ang populasyon ng Suwisa ay tinatayang nasa walong milyon at karamihan ay nakatipon sa talampas, kung saan matatagpuan ang mga malalaking lungsod: kabilang dito ang dalawang lungsod global at sentrong pang ekonomiko, ang Zürich at Geneva. May malakas na kinagawian ng pagkawalang-kilingan sa pulitika at hukbo ang bansa gayunmandin ng pagkakasundong pandaigdig; nasa bansa ang himpilan ng maraming pagtitipong pandaigdig.