Map Graph

Sabah

Ang Sabah na dating Hilagang Borneo, ay isa sa dalawang estado ng Malaysia sa pulo ng Borneo. May ibang antas ng awtonomiya ang naturang lupain sa pangangasiwa, pandarayuhan, at hudikatura na siyang nagtatangi rito sa mga estado at iba pang estado sa Tangway ng Malaysia. Matatagpuan ang Sabah sa hilagang Borneo, kahangganan ang estado ng Sarawak sa timog-kanluran, Kalimantan ng Indonesia sa timog, habang nahihiwalay naman ng dagat mula sa Pederal na Lupain ng Labuan sa kanluran, at sa Pilipinas sa hilaga at silangan. Kota Kinabalu ang kabiserang lungsod ng Sabah na siya ring lunduyan ng kalakalan ng estado at luklukan ng pamahalaan. Kabilang sa mga pangunahing bayan ng Sabah ay ang Sandakan at Tawau. Batay sa senso noong 2015 ng Malaysia, 3,543,500 ang bilang ng tao sa buong estado. May klimang ekwatoryal ang Sabah at may kagubatang tropikal na sagana sa mga iba't ibang uri ng hayop at halaman. May mahabang bulubundukin ang estado sa kanlurang bahagi na bumubuo sa Crocker Range National Park. Ang Ilog Kinabatangan, ang ikalawang pinakamahabang ilog sa Malaysia, at ang Bundok Kinabalu, ang pinakamatayog na tuktok ng Malaysia ay pawang matatagpuan sa Sabah.

Read article
Talaksan:Flag_of_Sabah.svgTalaksan:Coat_of_arms_of_Sabah.svgTalaksan:Sabah_in_Malaysia.svg