Pulo ng Lubang
pulo sa PilipinasAng Pulo ng Lubang ay ang pinakamalaking pulo sa Pangkat ng Kapuluan sa Lubang, isang arkipelago na matatagpuan sa hilagang-kanluran ng hilagang dulo ng Mindoro sa Pilipinas. Ang layo nito mula sa Maynila ay nasa mga 150 kilometro (93 mi). May pitong pulo sa pangkat. Nahahati ang pulo sa dalawang munisipalidad. Ang pinakamalaking paninirahan ay ang bayan ng Lubang, na nasa hilagang-kanluran ng pulo. Matatagpuan ang sentro ng bayan sa mga 8 milya (13 km) sa hilagang-kanluran ng Daungan ng Tilik. Natatakpan ang timog-kanlurang kalahati ng pulo ng bayan ng Looc, na mayroon ding daungan sa Barangay Agkawayan. Ang pangkat ng pulo sa Lubang, na binubuo ng lahat ng pitong pulo, ay naiiba sa heograpiya mula sa kahit anumang kalupaan, na ginagawa may kakaiba sa biyolohiya - at nanganganib din. Kinukunsidera ang pulo na ilaan para sa konsiderasyon bilang pansamantalang lugar ng UNESCO.