Map Graph

Operang Pang-estado ng Berlin

Ang Staatsoper Unter den Linden, kilala rin bilang Staatsoper Berlin, ay isang nakatalang gusali sa bulebar Unter den Linden sa sentrong pangkasaysayan ng Berlin, Alemanya. Ang bahay opera ay itinayo sa pamamagitan ng utos ng Prusong hari na si Federico II ng Prusya mula 1741 hanggang 1743 ayon sa mga plano ni Georg Wenzeslaus von Knobelsdorff sa estilong Palladiana. Nasira sa panahon ng pambobomba ng Alyado noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang dating Maharlikang Prusong Bahay Opera ay itinayong muli mula 1951 hanggang 1955 bilang bahagi ng plaza Forum Fridericianum. Tinaguriang Lindenoper sa Berlin, ito ay "ang unang teatro saanman na, sa kaniyang sarili, isang kilalang, malayang nakatayong monumental na gusali sa isang lungsod."

Read article
Talaksan:Berlin_-_Staatsoper_Unter_den_Linden.jpg