Ohio
Ang Ohio ay isang estado sa rehiyon ng Gitnang-kanlurang Estados Unidos. Pinapalibutan ang Ohio ng Lawa ng Erie sa hilaga, Pennsylvania sa silangan, Kanlurang Virginia sa timog-silangan, Kentucky sa timog-kanluran, Indiana sa kanluran, at Michigan sa hilagang-kanluran. Sa 50 estado ng Estados Unidos, ito ang ika-34 na pinakamalaki ayon sa laki ng sukat. Sa populasyon na halos 11.8 milyon, ito ang ikapitong pinakamatao at ikasampu sa pinakamakapal na populasyon na estado. Columbus ang kabisera nito at pinakamataong lungsod, kasama ang iba pang malalaking sentro ng populasyon kabilang ang Cleveland, Cincinnati, Dayton, Akron, at Toledo. Binansagan ang Ohio na "Buckeye State" o "Estadong Buckeye" dahil sa mga punong buckeye sa Ohio, at tinatawag ang mga taga-Ohio bilang "mga Buckeye". Natatangi ang watawat ng Ohio sa lahat ng watawat ng estado ng Estados Unidos dahil ito lamang ang may watawat na hindi hugis paraihaba.