Kinaltas na Kabanata ng Noli me Tangere
Ang Elias at Salome; ay ang dating nawawalang kabanata ng Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Sa mga siping kinapapalooban nito, karaniwang ito ang ibinibilang na ika-dalawampu't limang kabanata ng aklat. Sa mga makabagong sipi, kalimitang nauuna ito sa Sa Tahanan ng Pilosopo at Katapusan ng Noli, o idinaragdag sa huli o sa apendiks ng aklat. Karaniwang pinapaniwalaang hindi ito nasama sa orihinal na paglilimbag dahil kinulang si Rizal ng pambayad sa pagpapalimbag, kaya't kinailangang bawasan ang mga kabanata ng nobela. Nang natagpuan ang orihinal na manuskrito, nakita ang kabanatang ito na may malaking ekis, kung kaya't binansagan itong "Kabanata X", isa ring dahilan kung bakit idinaragdag din ito sa bahaging apendiks ng aklat. Sa salin ni María Soledad Lacson-Locsin, na may dagdag ni Raul L. Locsin, ito ang pangdalawampu't limang kabanata.