Map Graph

Montréal, Québec

Ang Montréal ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa Canada at ang pinakamalaking lungsod sa lalawigan ng Québec. Ito ang sentrong Francophone ng Hilagang Amerika. Ayon sa sensus ng 2001, may populasyon ito ng 1 583 590, habang nagtataglay naman ang Kalakhang Montréal ng populasyon ng 3 635 700, ginagawa itong isa sa mga pinakamalaking kalakhang Francophone sa daigdig. Ipinapalagay ito bilang pang-15 pinakamalaking kalakhan sa Hilagang Amerika at pang-77 sa daigdig. Noong 2006, kinilalang ng Traveler’s Digest Naka-arkibo 2018-09-12 sa Wayback Machine. at AskMen.com Naka-arkibo 2018-09-12 sa Wayback Machine. ang Montréal bilang ang nangungunang lungsod sa buong daigdig para manirahan, dala ng kultura, arkitektura, kasaysayan, at ambience nito. Ang Montréal din ang pang-25 pinakamayamang lungsod sa daigdig at ang pang-37 pinakamagastos na lungsod para manirahan sa balat ng lupa.

Read article
Talaksan:Montreal_Montage_2020.jpgTalaksan:Flag_of_Montreal.svgTalaksan:Coat_of_arms_of_Montreal.svgTalaksan:Montreal_au_Quebec.png