Map Graph

Mga Larangang Flegreo

Ang mga Larangang Flegrio ay isang malaking bulkan na matatagpuan sa kanluran ng Napoles, Italya. Ito ay idineklarang isang panrehiyong liwasan noong 2003. Ang lugar ng caldera ay binubuo ng 24 na bunganga at bulkanikong estruktura; karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa ilalim ng tubig. Ang idrotermal na aktibidad ay maaaring makita sa Lucrino, Agnano, at bayan ng Pozzuoli. Mayroon ding mga bumubulusok na gas sa bunganga ng Solfatara, ang mitolohikal na tahanan ng Romanong diyos ng apoy, si Vulcano. Ang lugar na ito ay sinusubaybayan ng Obserbatoryong Vesubio.

Read article
Talaksan:Campi_Flegrei.JPGTalaksan:Phlegraean_Fields_Relief_Map,_SRTM-1.jpg