Lalawigan ng Sivas
Ang Lalawigan ng Sivas, ay isang lalawigan sa Turkiya. Ang malaking bahagi nito ay matatagpuan sa silangang bahagi ng rehiyon ng Kalagitnaang Anatolia sa Turkiya; ito ang pangalawang pinakamalaking lalawigan sa Turkiya sang-ayon sa teritoryo. Ang mga katabing lalawigan ay Yozgat sa kanluran, Kayseri sa timog-kanluran, Kahramanmaraş sa timog, Malatya sa timog-silangan, Erzincan sa silangan, Giresun sa hilagang-silangan, at Ordu sa hilaga. Ang kabisera nito ay ang lungsod ng Sivas.
Read article