Map Graph

Kano

Ang Kano ay ang kabisera ng Estado ng Kano sa Hilagang Kanluran, Nigeria. Ito ay matatagpuan sa heograpikong rehiyon ng Sahel sa timog ng Sahara. Ang Kano ay ang sentro ng komersiyo sa Hilagang Nigeria at ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa bansa. Unang sinaklaw ng Kano metropolis ang 137 kilometro kuwadrado at binuo ng anim na mga pook ng lokal na pamahalaan o LGAs — Munisipyo ng Kano, Fagge, Dala, Gwale, Tarauni at Nasarawa, ngunit saklaw na nito ngayon ang dalawang karagdagang mga LGA — Ungogo at Kumbotso. Ang kabuuang lawak ng Kalakhang Kano ngayon ay 499 kilometro kuwadrado at may populasyong 2,828,861 katao sang-ayon sa Senso 2006. Ang pinakahuling opisyal na pagtataya ng populasyon ay 3,931,300 katao noong 2016.

Read article
Talaksan:KanofromDalaHill.jpgTalaksan:Nigeria_location_map.svgTalaksan:Lagos_Island.jpgTalaksan:Kano_from_Dalla_Hill_092016_-_2.jpgTalaksan:Overlooking_the_city_of_Ibadan,_Nigeria.jpgTalaksan:Areal_view_of_the_ancient_city_of_Benin.jpg