Map Graph

Kalye Jose Laurel

Ang Kalye Jose Laurel, na kilala din bilang Kalye J.P. Laurel, ay isang kalyeng nililinyahan ng mga puno na matatagpuan sa distrito ng San Miguel sa Maynila, Pilipinas. Dumadaan ito kalinya sa Ilog Pasig mula sa sangandaan nito sa Abenida Lacson sa silangan hanggang sa Kalye Heneral Solano sa timog-kanluran. Dito matatagpuan ang Palasyo ng Malakanyang, gayundin ang iba pang mga gusaling pampamahalaan. Ilan pa sa mga iba pang kilalang pook na matatagpuan rito ay Casa Roces, College of the Holy Spirit, ang Pambansang Dambana ni San Judas, ang Pambansang Dambana ni San Miguel at mga Arkanghel, at ang Philippine Commission on Women. Kadalasan, hindi pinapahintulutan ang pampublikong pagdaan sa kalye sa kadahilanang panseguridad.

Read article