Map Graph

Glorietta

Ang Glorietta ay isang malaking pamilihan sa Ayala Center sa Lungsod ng Makati, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Ang pamilihang ito ay pag-mamayari ng pamilyang Zobel de Ayala at ang kompanyang hinahawakan nito, ang Ayala Corporation. Ang pamilihan ay nakahati sa limang bahagi at matatagpuan dito ang maraming tindahan at kainan, at maging mga sinehan, gym, arcades at ang isang malaking atrium na kalimitang ginagamit para ganapin ang mga malalaking mga kaganapan. Meron itong activity center na matatagpuan sa gitna ng pamilihan. Nakakabit din ito sa Greenbelt Mall, SM Makati, Rustan's Makati at ang The Landmark, isang department store. Kailan lamang ginawa din ng Ayala Center ang Glorietta 5 na matatagpuan sa harapan ng Hotel Intercontinental Manila at sa tabi ng Rustans Department Store, bilang bahagi ng plano ng Ayala Land na i-redevelop ang Glorietta. Pinagpipilian sa mga nangungupahan na naapektuhan ng pagsabog noong 19 Oktubre 2007 na lumipat doon.

Read article
Talaksan:Glorietta_logo.update.png