Map Graph

Estokolmo

Ang Estokolmo ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Suwesya at bumubuo ng pinakamataong kalakhan sa Escandinavia. Ito ang himpilan ng pamahalaang Sweko, ang Riksdag (parlamento), at ang tinitirhan ng monarkong Sweko at gayun din ng punong ministro. Mula noong 1980, ang monarko ay naninirahan sa Palasyo ng Drottningholm sa labas ng Estokolmo at ginagamit ang Palasyo Real ng Estokolmo bilang kaniyang tanggapan at opisyal na tahanan. Base sa 2010, ang kalakhang Estokolmo ay tinitirhan ng humigit-kumulang sa 22% ng populasyon ng Swesya. Ang Estokolmo ay siyang pinakamataong lungsod sa Swesya, na may populasyong 851,155 sa mismong lungsod (2010), 1.37 milyon sa mga karatig-pook (2010) at bandang 2.1 milyon naman sa 6,519 km-kw (2,517.00 mi-kw) kalakhan.

Read article
Talaksan:Stockholm_gamlastan_etc.jpgTalaksan:Flag_of_Stockholm.svgTalaksan:Stockholm_vapen_bra.svgTalaksan:Sw-map,_CIA_World_Factbook,_Stockholm_pinpoint.png