Ang timbang o bigat ay isang katangiang-ari ng materya sa ibabaw ng mundo. Hinihila ng mundo ang materya papunta sa kanya. Tinatawag na timbang o bigat ang paghilang ito. Hinihila rin ng materya ang mundo. Nagbabago ang timbang ng mga bagay kapag nasa antas sila ng dagat at habang nasa tuktok ng isang bundok.
Ang timba, na kilala rin bilang balde, tuong, taong, pimbrera, pumbrera, o kalalang, ay isang uri ng lalagyan na pangkaraniwang hindi tinatagusan ng tubig at kahugis ng binumbong o bariles o kaya ng balisuso na may tinapyas o pinungos na dulo. Mayroon itong bukas na tuktok at isang patag na ilalim na pangkaraniwang nakadikit sa isang hawakan (panghawak) na hugis na hatimbilog. Ang isang timba ay maaaring may bukas na tuktok o maaari ring may isang takip. Iba't iba ang sukat ng mga timba. Puwede itong yari sa mga materyal na katulad ng metal at polietelina. Ang hawakan ng timba ay maaaring gawa mula sa metal o plastik. Ilan sa pangkaraniwang gamit ng timba ay ang gamitin itong panalok o pangadlo at pang-igib ng tubig.
Ito ang listahan ng mga kasalukuyang programa ng TV5, isang Pilipinong himpilang panterestriyal. Ang kalambatan ay nakahimpil sa TV5 Media Center, Reliance, Lungsod Mandaluyong, na may alternatibong estudyo at transmitter na matatagpuan sa Novaliches, Lungsod Quezon. Kabilang sa mga programa ng himpilan ay ang programang pambalitaan at impormasyon mula sa News5, programang pampalakasan mula One Sports, mga programa mula sa ABS-CBN Entertainment, Brightlight Productions, Cignal Entertainment, Regal Entertainment, VIVA Entertainment at Cornerstone Studios, seryeng anime, cartoons, mga pelikula, ispesyal na programa, at programang panrelhiyon.